The Ministry of Sharing and Spreading the Word of God
CONSCIENCE VOTE
ANO BA ANG CONSCIENCE VOTE?
Ang pangunahing batayan ng conscience vote ay ang TAMANG PAGKAUNAWA SA
TURO NG SIMBHAN. TAMA PAGUNAWA kasi may mga pagunawa sa turo ng simbahan
na taliwas sa layunin ng Simbahan. Dapat nating malaman na ang simbahan
ay may mga opisyal na turo na dapat nating paniwalaan at may tao na
bahagi ng simbahan na nagtuturo ayon sa kanilang pagunawa na hindi
opisyal o hango sa tunay na layunin ng simbahan. Ang tawag doon ay
opinyo-- opinyon ng isang pari o theologian tulad ni Bernas o ni Tabora
na mga pawang paring heswita. We respect their opinions but we follow
the official teachings of the Church. Kapag ang ating sinunod ay ang
kanilang opinyon, hindi yon conscience vote.
CONSCIENCE VOTE IS A CATHOLIC VOTE!
Bakit iba't iba ang kanilang pagka unawa sa turo ng Simbahan? Marami pwedeng maging dahilan:
Una, iba ang pagtingin nila sa isang isyu na ang kanilang pinagbatayan
ay ang kanilang sariling karanasan. Halimbawa, madaming naghihirap at
ang paghihirap ay sinisira ang dignidad ng mga tao. Nakita nila o
naranasan nila ang paghihirap kaya anumang uri ng paraan ay katanggap
tanggap para sa kanila mawala lang ang kahirapan. Sa ganitong pananaw
nagiging subjective ang batayan at di hango sa tunay na layunin ng
Simbahan. Kaya nga ang personal na karanasan ay hindi maaaring maging
batayan ng conscience vote.
Pangalawa, ang praktikal na aspeto
ng isyu, Ang tawag nito sa pilosopiya ay "PRAGMATISM." Halimbawa: dahil
mahirap gawin ang natural family planning, kaya hindi ito mainam na
sundin, hindi praktikal na gawin. Ang pagiging praktikal ay hindi tamang
batayan ng conscience vote. Sinisira nito ang kapangyarihan ng Diyos na
kayang Niyang gawin ang lahat,
-Rev. Fr. Thor Villacarlos
No comments:
Post a Comment